Isang seminar ukol sa panulaan at wikang Filipino ang idaraos sa 27 Agosto 2008, Miyerkules, mula 8:00-5:00 ng hapon sa TARC (Thomas Aquinas Research Complex) Seminar Rooms 1 at 2 sa UST. Pinamagatan itong Tulawikaan, isang serye ng mga panayam ng dalubwikang kasapi ng LIRA, ang organisasyon ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Ilan sa mga tagapagsalita ay sina Prof. Vim Nadera, Jr. ng UP Diliman/UST, Prop. Michael Coroza ng Ateneo de Manila University/UST, Prop. … Basahin ang buong balita »
Lahat ng balita sa “Panayam”
LIRA Lecture: Kasaysayan ng Balagtasan
Inihahandog ng Linangan sa Imahen Retorika at Anyo (LIRA) at Ortigas Foundation ang isang panayam tungkol sa Kasaysayan ng Balagtasan. Ang panayam ay gaganapin sa Agosto 10, 2008, Linggo, 9:00 nang umaga hanggang 12:00 nang tanghali sa Ortigas Foundation Library, Ortigas Building, Ortigas Avenue, Pasig City. Ang pangunahing tagapagsalita ay si Dr. Galileo Zafra, isang literary historian, kritiko, at propesor sa Unibersidad ng Pilipinas. Ang panayam ay libre at bukas sa publiko. Kung may katanungan ukol dito, … Basahin ang buong balita »
Paanyaya Para sa Pagbubukas ng Taunang Klinika sa Pagtula ng LIRA
Pormal na bubuksan sa Hunyo 7, 2008 ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) ang kanilang taunang klinika sa pagtula ng isang panayam mula sa kanilang tagapagtatag, ang Pambansang Alagad ng Sining Para sa Panitikan Virgilio S. Almario, kilala bilang Rio Alma. Ang panayam, “Reklamasyon sa Pambansang Gunita” ay magsisimula dakong 1:30 ng hapon sa Room 201 ng College of Arts and Letters sa UP Diliman. Ang pagtatala ay magsisimula dakong 1 ng hapon. … Basahin ang buong balita »
Sumulat, Umawit: Isang Panayam sa Pagsulat ng Awit
Tayo'y mga Pinoy. Tayo'y hindi Kano. Huwag kang mahihiya Kung ang ilong mo ay pango! -Tayo'y Mga Pinoy ni Heber Bartolome Para sa buwan ng Mayo, inihahandog ng LIRA ang “Sumulat, Umawit,” isang panayam sa pagsulat ng awiting Filipino. Si Heber Bartolome ng Banyuhay ang panauhing tagapagsalita. Gaganapin ang panayam sa ika-24 ng Mayo, Sabado, 9:00 ng umaga sa kanyang studio-gallery sa # 170 Banlat Road, Tandang Sora, Quezon City. Ang mga awit ni Heber Bartolome … Basahin ang buong balita »
Anlong: Isang Panayam sa Panulaan ng Pangasinan
Bilang bahagi ng buwanang serye ng mga panayam sa pagpapaunlad ng panulaang Filipino, inihahandog ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) sa pakikipagtulungan ng NBDB Book Club at Ortigas Foundation Library ang "Pangasinan: Kultura, at Panulaan". Tampok dito ang aklat na Malagilion: Sonnets tan Villanelles ni Santiago Villafania. Sila Dr Crisanta Nelmida-Flores at Santiago Villafania ang mga pangunahing tagapag-salita. Gaganapin ang panayam sa ika-26 ng Abril, Sabado, 10 ng umaga sa Ortigas Foundation Library, 2/F … Basahin ang buong balita »
LIRA Lecture: Kababaihang Makata
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, inihahandog ng Linangan sa Imahen Retorika at Anyo (LIRA) ang isang panayam ukol sa Panulaan ng mga Kababaihang Makata. Ang panayam ay gaganapin sa Marso 16, 2008, Linggo, 9:30 ng umaga sa Room 201 ng College of Arts and Letters (CAL) Building sa University of the Philippines, Diliman Quezon City. Ang pangunahing tagapagsalita ay si Bb. Nikka Osorio, isang kasapi ng LIRA. Nagtapos siya ng AB Literature sa … Basahin ang buong balita »