Pormal na inilunsad ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario (mas kilala bilang Rio Alma) ang Bulawan Online noong Hunyo 19 sa UP Diliman. Si Rio Alma ang nagsisilbing punong editor ng lathalaan, at siya ay tinutulungan ng ilang mga kasapi at kaibigan ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA): sina Roberto T. Añonuevo, Romulo P. Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Vim Nadera at Fidel Rillo bilang mga editor; at sina … Basahin ang buong balita »
Lahat ng balita sa “Anunsiyo”
Paanyaya Para sa Pagbubukas ng Taunang Klinika sa Pagtula ng LIRA
Pormal na bubuksan sa Hunyo 7, 2008 ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) ang kanilang taunang klinika sa pagtula ng isang panayam mula sa kanilang tagapagtatag, ang Pambansang Alagad ng Sining Para sa Panitikan Virgilio S. Almario, kilala bilang Rio Alma. Ang panayam, “Reklamasyon sa Pambansang Gunita” ay magsisimula dakong 1:30 ng hapon sa Room 201 ng College of Arts and Letters sa UP Diliman. Ang pagtatala ay magsisimula dakong 1 ng hapon. … Basahin ang buong balita »
Sumulat, Umawit: Isang Panayam sa Pagsulat ng Awit
Tayo'y mga Pinoy. Tayo'y hindi Kano. Huwag kang mahihiya Kung ang ilong mo ay pango! -Tayo'y Mga Pinoy ni Heber Bartolome Para sa buwan ng Mayo, inihahandog ng LIRA ang “Sumulat, Umawit,” isang panayam sa pagsulat ng awiting Filipino. Si Heber Bartolome ng Banyuhay ang panauhing tagapagsalita. Gaganapin ang panayam sa ika-24 ng Mayo, Sabado, 9:00 ng umaga sa kanyang studio-gallery sa # 170 Banlat Road, Tandang Sora, Quezon City. Ang mga awit ni Heber Bartolome … Basahin ang buong balita »
Taunang Palihan ng LIRA! Bukas pa ang Aplikasyon!
Bukas pa po ang LIRA sa mga nais magpatalâ upang lumahok sa taunang klinikang pampanulaan. Ang huling araw po ng pagpapatalâ ay iniurong sa ika-20 ng Mayo, 2008. Magpadala po ng isang pahinang bio-data na may 1x1 ID picture, kasama ang limang tula sa Filipino, sa liraworkshop@gmail.com, o ilagay ito sa pigeon hole ni Prof. Vim Nadera sa UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, College of Arts and Letters, UP Diliman. Ang … Basahin ang buong balita »
Anlong: Isang Panayam sa Panulaan ng Pangasinan
Bilang bahagi ng buwanang serye ng mga panayam sa pagpapaunlad ng panulaang Filipino, inihahandog ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) sa pakikipagtulungan ng NBDB Book Club at Ortigas Foundation Library ang "Pangasinan: Kultura, at Panulaan". Tampok dito ang aklat na Malagilion: Sonnets tan Villanelles ni Santiago Villafania. Sila Dr Crisanta Nelmida-Flores at Santiago Villafania ang mga pangunahing tagapag-salita. Gaganapin ang panayam sa ika-26 ng Abril, Sabado, 10 ng umaga sa Ortigas Foundation Library, 2/F … Basahin ang buong balita »
Marso 2008 Isyu ng ULIRAT
Inihahandog ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo ang pinakabagong isyu ng ULIRAT, ang opisyal na pahayagan ng samahan. Ang ilan sa tampok na mga artikulo: pagpanaw ng manunulat na si Rene O. Villanueva, Fellows' Night nitong Disyembre 2007, panunumpa ng mga bagong kasapi, tagumpay ng mga kasapi sa mga patimpalak, Ang Kapalaran ng Kapalaran Ayon Kay Khavn de la Cruz ni Vim Nadera, Mga Duguang Plakard ni Roberto T. Añonuevo. Basahin o i-download ang Marso 2008 isyu ng ULIRAT.
LIRA Lecture: Kababaihang Makata
Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, inihahandog ng Linangan sa Imahen Retorika at Anyo (LIRA) ang isang panayam ukol sa Panulaan ng mga Kababaihang Makata. Ang panayam ay gaganapin sa Marso 16, 2008, Linggo, 9:30 ng umaga sa Room 201 ng College of Arts and Letters (CAL) Building sa University of the Philippines, Diliman Quezon City. Ang pangunahing tagapagsalita ay si Bb. Nikka Osorio, isang kasapi ng LIRA. Nagtapos siya ng AB Literature sa … Basahin ang buong balita »
Paanyaya Para sa Taunang Palihan ng LIRA
Pormal na nanumpa noong ika-siyam ng Pebrero, 2008 sila Rhodge Fernandez at Phillip Kimpo Jr bilang mga bagong kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Naging bahagi sila ng taunang palihan na isinagawa ng LIRA na naglalayong isulong at paunlarin ang panulaang Filipino. Bukas na pong muli ang LIRA sa mga nais magpatalâ upang lumahok sa taunang klinikang pampanulaan. Ang klinika po ay gaganapin mula 9:00 n.u hanggang 5:00 n.h. tuwing Sabado at … Basahin ang buong balita »
Ang Bagong LIRA Website
Malugod namin kayong binabati sa inyong pagdating sa bagong website ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo. Mabuhay ang panitikang Filipino!