
Inaanyayahan dumalo ang mga kasapi at kaibigan ng Linangan sa Imahen Retorika at Anyo (LIRA) sa gaganaping Fellows Night at ika-24 anibersaryo sa 1 Disyembre 2009, Martes, ganap na 6:30 n.g., sa Conspiracy Bar, Visayas Avenue, Lungsod Quezon. Itinatag ang LIRA noong 15 Disyembre 1985 sa tanggapan ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan na si Virgilio S. Almario (Rio Alma).
Itatampok ang mga magsisipagtapos na Fellow ng 2009 LIRA Poetry Clinic at ang kanilang mga tula mula sa palihan na tinipon sa isang folio na pinamagatang “Bingit”. Ang anibersaryo ay isa ring reunion para sa lahat ng sumali sa taunang palihan ng organisasyon.
Tulad ng dati, hinihilingan ang lahat ng dadalong kasapi at Fellow na magdala ng aklat na hindi bababa sa P 100 ang halaga para sa exchange gift.
Makisaya, makinig at tumula kasama ang mga kabataan at batikang makata! Para sa detalye, magtext o tumawag kay Ynna Abuan,ang tagapag-ugnay ng LIRA, 09179017090.
Wala Pang mga Komento
Ibahagi ang iyong nasasaisip!
Mag-iwan ng Komento
Trackback link