Inihahandog ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Linangan ng Imahen, Retorika at Anyo (LIRA), at Dagupan City National High School (DCNHS) ang ikalawang programa ng Sining ng Tugma at Sukat sa Setyembre 22, 2008 sa Dagupan, Pangasinan. Ang Sining ng Tugma at Sukat (STS) ay isang proyekto ng NCCA at LIRA para sa mga guro ng Filipino sa mga matataas na paaralan sa Kalakhang Maynila at mga karatig na lalawigan. Ang daloy ng … Basahin ang buong balita »
Lahat ng balita noong September 2008
Sining ng Tugma at Sukat sa Cavite
Inihahandog ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining (NCCA), Linangan ng Imahen, Retorika at Anyo (LIRA), at Cavite Young Writers Association, Inc (CYWA) ang unang programa ng Sining ng Tugma at Sukat sa Setyembre 14, 2008 sa Saint Francis of Assisi Parish, Cavite. Ang Sining ng Tugma at Sukat (STS) ay isang proyekto ng NCCA at LIRA para sa mga guro ng Filipino sa mga matataas na paaralan sa Kalakhang Maynila at mga karatig … Basahin ang buong balita »
Pinakabagong Isyu ng ULIRAT
Inihahandog ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo ang Hunyo 2008 isyu ng ULIRAT, ang opisyal na pahayagan ng samahan. Ang ilan sa tampok na mga artikulo: tagumpay ng mga kasapi sa Gawad Surian sa Tula - Gantimpalang Collantes, paglunsad ng Basa Muna Bago Baba paglahok ng isang kasapi at isang dating Fellow sa UST National Writers' Workshop, Malikhaing Pagnanakaw sa Sining ng Komunikasyon ni Roberto T. Añonuevo. Basahin o i-download ang Hunyo 2008 isyu ng ULIRAT.
UMPIL.org, Inilunsad
Inilunsad ng Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL) ang bago nilang website, www.Umpil.org noong ika-34 UMPIL National Convention na ginanap nitong Agosto 30. Nilalaman ng Umpil.org ang impormasyon tungkol sa kasaysayan ng organisasyon, mga kasapi, pamunuan, at ang taunang Kongreso. Mababasa rin ang listahan ng mga taunang nagwagi ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas, Gawad Paz Marquez Benitez, at Gawad Pedro Bucaneg. Itinatag noong 1974, ang UMPIL ay ang pinakamalaking samahan ng mga Filipinong manunulat … Basahin ang buong balita »