Isang seminar ukol sa panulaan at wikang Filipino ang idaraos sa 27 Agosto 2008, Miyerkules, mula 8:00-5:00 ng hapon sa TARC (Thomas Aquinas Research Complex) Seminar Rooms 1 at 2 sa UST. Pinamagatan itong Tulawikaan, isang serye ng mga panayam ng dalubwikang kasapi ng LIRA, ang organisasyon ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Ilan sa mga tagapagsalita ay sina Prof. Vim Nadera, Jr. ng UP Diliman/UST, Prop. Michael Coroza ng Ateneo de Manila University/UST, Prop. Romulo Baquiran, Jr. at Dr. Lilia Antonio ng UP Diliman.
Ang pangkalahatang paksa ay ang pagtuturo ng wika sa pamamagitan ng tula. Ilan sa mga tatalakayin ay: kasaysayan ng wika, sintaksis, varayti ng wika at ilang pamamaraan ng paglinang ng pagkamalikhain ng mga mag-aaral. Ipapakita ng mga tagapagsalita kung paanong maaaring maging behikulo ang panulaang Filipino sa pagtuturo ng mga nabanggit na paksa.
Ang kaukulang bayad ay P800 para sa bawat kalahok. Kasama na rito ang mga seminar kit, sertipiko, meryenda at tanghalian. Para sa mga magbabayad nang maaga, bago sumapit ang 9 Agosto, P700 ang magiging kaukulang bayad. Bisitahin ang www.liraonline.org. Para sa detalye, makipag-ugnayan kina En Villasis (0922-4596365) o Dai Miranda sa (0926-7135021). Maaari ring mag-email sa pamunuan@liraonline.org.
Handog ito ng LIRA (Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo) at Kagawaran ng mga Wika ng Unibersidad ng Santo Tomas, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2008.
1 Komento
NAKAKATULONG ITO S MGA BATANG KATULAD KO…………………………………………………………..MARAMING SALAMAT SA TULONG NINYO…………..?
Mag-iwan ng Komento
Trackback link