Inihahandog ng Linangan sa Imahen Retorika at Anyo (LIRA) at Ortigas Foundation ang isang panayam tungkol sa Kasaysayan ng Balagtasan. Ang panayam ay gaganapin sa Agosto 10, 2008, Linggo, 9:00 nang umaga hanggang 12:00 nang tanghali sa Ortigas Foundation Library, Ortigas Building, Ortigas Avenue, Pasig City.
Ang pangunahing tagapagsalita ay si Dr. Galileo Zafra, isang literary historian, kritiko, at propesor sa Unibersidad ng Pilipinas.
Ang panayam ay libre at bukas sa publiko. Kung may katanungan ukol dito, magpadala ng email sa palihan@liraonline.org.
Ang panayam na ito ay bahagi ng buwanang serye ng mga panayam sa pagpapaunlad ng panulaang Filipino na handog ng LIRA.
Wala Pang mga Komento
Ibahagi ang iyong nasasaisip!
Mag-iwan ng Komento
Trackback link