Isang seminar ukol sa panulaan at wikang Filipino ang idaraos sa 27 Agosto 2008, Miyerkules, mula 8:00-5:00 ng hapon sa TARC (Thomas Aquinas Research Complex) Seminar Rooms 1 at 2 sa UST. Pinamagatan itong Tulawikaan, isang serye ng mga panayam ng dalubwikang kasapi ng LIRA, ang organisasyon ng mga makatang nagsusulat sa Filipino. Ilan sa mga tagapagsalita ay sina Prof. Vim Nadera, Jr. ng UP Diliman/UST, Prop. Michael Coroza ng Ateneo de Manila University/UST, Prop. … Basahin ang buong balita »
Lahat ng balita noong August 2008
LIRA Lecture: Kasaysayan ng Balagtasan
Inihahandog ng Linangan sa Imahen Retorika at Anyo (LIRA) at Ortigas Foundation ang isang panayam tungkol sa Kasaysayan ng Balagtasan. Ang panayam ay gaganapin sa Agosto 10, 2008, Linggo, 9:00 nang umaga hanggang 12:00 nang tanghali sa Ortigas Foundation Library, Ortigas Building, Ortigas Avenue, Pasig City. Ang pangunahing tagapagsalita ay si Dr. Galileo Zafra, isang literary historian, kritiko, at propesor sa Unibersidad ng Pilipinas. Ang panayam ay libre at bukas sa publiko. Kung may katanungan ukol dito, … Basahin ang buong balita »