Bulawan Online, Inilunsad

Jun. 26th 2008 sa Anunsiyo

Pormal na inilunsad ng Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan Virgilio S. Almario (mas kilala bilang Rio Alma) ang Bulawan Online noong Hunyo 19 sa UP Diliman.

Si Rio Alma ang nagsisilbing punong editor ng lathalaan, at siya ay tinutulungan ng ilang mga kasapi at kaibigan ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA): sina Roberto T. Añonuevo, Romulo P. Baquiran Jr., Michael M. Coroza, Vim Nadera at Fidel Rillo bilang mga editor; at sina Phillip Kimpo Jr., Sophia Lucero, Eilene Narvaez, at Ernanie Rafael bilang mga kagawad. Ang disenyo ng lathalaan ay gawa ni Sophia Lucero ng Stellify.net.

Ang unang isyu ay naglalaman ng mga akda at pagsusuri nina Nikka Osorio, Ronald A. Atilano, Roberto T. Añonuevo, Romulo P. Baquiran, Jr., Michael M. Coroza, at Virgilio S. Almario.

Inaanyayahan ang lahat ng panitikero na magpasa ng kanilang mga tula, maikling kuwento, salin, at pagsusuri sa Bulawan Online. Para sa karagdagang impormasyon ukol sa pagpapadala ng mga akda, magtungo lamang sa pahinang Paanyaya sa Panitikero.

Wala Pang mga Komento

Ibahagi ang iyong nasasaisip!

Mag-iwan ng Komento

Maaari mong gamitin ang mga HTML tag na ito: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <code> <em> <i> <strike> <strong>

Trackback link