Pormal na bubuksan sa Hunyo 7, 2008 ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA) ang kanilang taunang klinika sa pagtula ng isang panayam mula sa kanilang tagapagtatag, ang Pambansang Alagad ng Sining Para sa Panitikan Virgilio S. Almario, kilala bilang Rio Alma. Ang panayam, “Reklamasyon sa Pambansang Gunita” ay magsisimula dakong 1:30 ng hapon sa Room 201 ng College of Arts and Letters sa UP Diliman. Ang pagtatala ay magsisimula dakong 1 ng hapon. … Basahin ang buong balita »
Lahat ng balita noong May 2008
Sumulat, Umawit: Isang Panayam sa Pagsulat ng Awit
Tayo'y mga Pinoy. Tayo'y hindi Kano. Huwag kang mahihiya Kung ang ilong mo ay pango! -Tayo'y Mga Pinoy ni Heber Bartolome Para sa buwan ng Mayo, inihahandog ng LIRA ang “Sumulat, Umawit,” isang panayam sa pagsulat ng awiting Filipino. Si Heber Bartolome ng Banyuhay ang panauhing tagapagsalita. Gaganapin ang panayam sa ika-24 ng Mayo, Sabado, 9:00 ng umaga sa kanyang studio-gallery sa # 170 Banlat Road, Tandang Sora, Quezon City. Ang mga awit ni Heber Bartolome … Basahin ang buong balita »
Taunang Palihan ng LIRA! Bukas pa ang Aplikasyon!
Bukas pa po ang LIRA sa mga nais magpatalâ upang lumahok sa taunang klinikang pampanulaan. Ang huling araw po ng pagpapatalâ ay iniurong sa ika-20 ng Mayo, 2008. Magpadala po ng isang pahinang bio-data na may 1x1 ID picture, kasama ang limang tula sa Filipino, sa liraworkshop@gmail.com, o ilagay ito sa pigeon hole ni Prof. Vim Nadera sa UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, College of Arts and Letters, UP Diliman. Ang … Basahin ang buong balita »