Anlong: Isang Panayam sa Panulaan ng Pangasinan

Apr. 9th 2008 sa Anunsiyo, Panayam

I-klik para sa mas malaking bersyon.

Bilang bahagi ng buwanang serye ng mga panayam sa pagpapaunlad ng panulaang Filipino, inihahandog ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) sa pakikipagtulungan ng NBDB Book Club at Ortigas Foundation Library ang “Pangasinan: Kultura, at Panulaan”. Tampok dito ang aklat na Malagilion: Sonnets tan Villanelles ni Santiago Villafania.

Sila Dr Crisanta Nelmida-Flores at Santiago Villafania ang mga pangunahing tagapag-salita. Gaganapin ang panayam sa ika-26 ng Abril, Sabado, 10 ng umaga sa Ortigas Foundation Library, 2/F Ortigas Building, Ortigas cor Meralco Avenues, Pasig City. Libre at bukas sa publiko ang nasabing panayam. Maaring makipag-ugnayan kay En Villasis sa numerong 09224596365 para sa karagdagang detalye.

Kilalang dalubhasa sa kultura ng Pangasinan at propesor sa Unibersidad ng Pilipinas si Dr Crisanta Nelmida-Flores. Si Santiago Villafania ay isang makatang Pangasinense na kasalukuyang naninirahan dito sa Manila. Tinataguyod niya ang paglinang at muling pagpapakilala ng panulaan ng Pangasinan. Ang Malagilion: Sonnets tan Villanelles ang ikalawa niyang aklat ng mga tula.

Wala Pang mga Komento

Ibahagi ang iyong nasasaisip!

Mag-iwan ng Komento

Maaari mong gamitin ang mga HTML tag na ito: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <code> <em> <i> <strike> <strong>

Trackback link