Bilang bahagi ng buwanang serye ng mga panayam sa pagpapaunlad ng panulaang Filipino, inihahandog ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) sa pakikipagtulungan ng NBDB Book Club at Ortigas Foundation Library ang "Pangasinan: Kultura, at Panulaan". Tampok dito ang aklat na Malagilion: Sonnets tan Villanelles ni Santiago Villafania. Sila Dr Crisanta Nelmida-Flores at Santiago Villafania ang mga pangunahing tagapag-salita. Gaganapin ang panayam sa ika-26 ng Abril, Sabado, 10 ng umaga sa Ortigas Foundation Library, 2/F … Basahin ang buong balita »
Lahat ng balita noong April 2008
Marso 2008 Isyu ng ULIRAT
Inihahandog ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo ang pinakabagong isyu ng ULIRAT, ang opisyal na pahayagan ng samahan. Ang ilan sa tampok na mga artikulo: pagpanaw ng manunulat na si Rene O. Villanueva, Fellows' Night nitong Disyembre 2007, panunumpa ng mga bagong kasapi, tagumpay ng mga kasapi sa mga patimpalak, Ang Kapalaran ng Kapalaran Ayon Kay Khavn de la Cruz ni Vim Nadera, Mga Duguang Plakard ni Roberto T. Añonuevo. Basahin o i-download ang Marso 2008 isyu ng ULIRAT.