LIRA Lecture: Kababaihang Makata

Mar. 14th 2008 sa Anunsiyo, Panayam

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, inihahandog ng Linangan sa Imahen Retorika at Anyo (LIRA) ang isang panayam ukol sa Panulaan ng mga Kababaihang Makata. Ang panayam ay gaganapin sa Marso 16, 2008, Linggo, 9:30 ng umaga sa Room 201 ng College of Arts and Letters (CAL) Building sa University of the Philippines, Diliman Quezon City.

Ang pangunahing tagapagsalita ay si Bb. Nikka Osorio, isang kasapi ng LIRA. Nagtapos siya ng AB Literature sa De La Salle University at kasalukuyang kumukuha ng MA Filipino sa Ateneo de Manila University.

Ang panayam ay libre at bukas sa publiko. Kung may katanungan ukol dito, makipag-ugnayan kay G. En Villasis sa cell no.: 0922-4596365.

Isa lamang ang panayam na ito sa mga serye ng mga gawaing handog ng LIRA bilang ambag sa lalo pang pagpapaunlad ng panulaan at panitikang Filipino.

Wala Pang mga Komento

Ibahagi ang iyong nasasaisip!

Mag-iwan ng Komento

Maaari mong gamitin ang mga HTML tag na ito: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <code> <em> <i> <strike> <strong>

Trackback link