Paanyaya Para sa Taunang Palihan ng LIRA

Mar. 13th 2008 sa Anunsiyo, Palihan

Pormal na nanumpa noong ika-siyam ng Pebrero, 2008 sila Rhodge Fernandez at Phillip Kimpo Jr bilang mga bagong kasapi ng Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo (LIRA). Naging bahagi sila ng taunang palihan na isinagawa ng LIRA na naglalayong isulong at paunlarin ang panulaang Filipino.

Bukas na pong muli ang LIRA sa mga nais magpatalâ upang lumahok sa taunang klinikang pampanulaan. Ang klinika po ay gaganapin mula 9:00 n.u hanggang 5:00 n.h. tuwing Sabado at Linggo, at magtatagal nang tatlong buwan, mula Hunyo hanggang Agosto.

Tulad po ng mga nakaraang taon, magpadala po ng isang pahinang bio-data na may 1×1 ID picture, kasama ang limang tula sa Filipino, sa liraworkshop@gmail.com, o ilagay ito sa pigeon hole ni Prof. Vim Nadera sa UP Institute of Creative Writing, 2/F Faculty Center, College of Arts and Letters, UP Diliman. Ang huling araw po ng pagpapatalâ ay ang ika-30 ng Abril, 2008.

Ngayong 2008 ay 23 taong gulang na ang LIRA, isang samahan ng mga makatang nagsusulat sa wikang Filipino. Ang LIRA ay itinatag ni Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan, noong 1985, at kinabibilangan ng mga premyadong makata tulad nina Edgar Samar, Jerry Gracio, Michael Coroza, Vim Nadera, Roberto at Rebecca Añonuevo, at Romulo Baquiran Jr.

2 Trackbacks/Pingbacks

  1. Pingback: LIRA Poetry Workshop Accepting Applicants at Komiks.ph, Philippine Comics Portal on April 7, 2008
  2. Pingback: LIRA poetry workshop now accepting applicants : Read Or Die Weblog on April 8, 2008

2 Komento

  1. greg star's Gravatar
    greg star, April 22, 2008:

    Mabuhay ang mga makata ng LIRA
    Na isang paaralan ng talinghaga
    Maraming natututo sa retorika
    Sa imahen at sa anyo ng pagtula.

    Maraming salamat sa mga makata
    Sa kanilang makahulugang kataga
    Na sa puso’y tumatagos, nadarama
    Naging bahagi ng aming tuwa’t luha.

  2. mark's Gravatar
    mark, April 29, 2008:

    xtended?

Mag-iwan ng Komento

Maaari mong gamitin ang mga HTML tag na ito: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <code> <em> <i> <strike> <strong>

Trackback link